thelyricsearch.com LYRIC

SANA
Ruth Anna Mendoza


Di ko mawari ang aking nadarama
Pag ika'y nakikita
Araw ko'y walang kasing saya
Minamasdan kita

Tila bang nasa langit na
Lumbay ay nawawala
Ngiti sa mga labi abot hanggang tenga
At tibok ng puso ko'y umaapaw sa saya
Oh mahal na kaya kita

Sana, sana ikaw kagi ang nakikita
Sana, sana mapansin mo rin ang lihim kong pagtingin
Handa akong maghintay, abutin man ng kay tagal
Di ako maiinip, bilangin man ang bituin, lahat ay gagawin
Kung ikaw ang kapalit

Di ko masabi ang sadyang nadarama
Parang baliw di alam ang gagawin
Minamasdan kita
Tila bang nasa langit na, lumbay ay nawawala
Aking hiling na sana ay dumating ang araw na mapansin
Ang tibok ng puso ko ay umaapaw sa saya
Oh mahal na nga kita

Sana, sana ikaw lagi ang nakikita
Sana, sana mapansin mo rin ang lihim kong pagtingin

Handa akong maghintay abutin man nang kay tagal
Di ako maiinip bilangin man ang bituin lahat ay gagawin
Kung ikaw ang kapalit

Sabihin man nilang ako ay isang tanga
Na nagihintay lang sa wala
Mapipigil mo ba kung ang sinisigaw ng puso ko ay ikaw lang walang iba

Sana, sana ikaw lagi ang nakikita
Sana, sana mapansin mo rin ang lihim kong pagtingin

Sana, sana ikaw lagi ang nakikita
Sana, sana mapansin mo rin ang lihim kong pagtingin
Handa akong maghintay abutin man nang kay tagal
Hindi ako maiinip bilangin man ang bituin lahat ay gagawin
Kung ikaw ang kapalit

Sana
Sana sana


RUTH ANNA MENDOZA